Miyerkules, Marso 25, 2015

Son's Birthday

4th Bday

Happy 4th Birthday my Son
Our love, our precious one
The gladness of my life
My embrace when I lack in hype

4 years of parental quests
I'm still confuse...I guess
It's okay..your smile is assuring
That our future together is binding
May God bless us forward

With strength and clarity; towards
Happy Birthday Son!



3rd Bday


Oh how precious are your smiles!
Who said we need to reach for the skies?
When the stars in your eyes...
Twinkles our souls' contentment.

In your hugs and in your kisses.
We find tenderness and peace.
The solitude in our mess,
and the simplicity in our confusion. 

Always with you, and always with us.
Together. Our Son. Is how its gonna be. 
HAPPY BIRTHDAY MALECK!




2nd Bday


On the first year we made all our firsts
The baths, the smile, and diaper rash
We endured all the sleepless nights
Gave you all the milk to quench your thirst

Last year you started walking
That's when all our stuff got broken
When you sleep you want to occupy the whole bed
Then you kick and turn like judo black belt

But when we get home from the day's work
Your smile and wondrous eyes are our relief
Our serenity from all the noise and frustrations
Our solitude and reservoir of inspirations





















Biyernes, Pebrero 21, 2014

Soul Sistah!


Kalsada

Alas-sinko ng umaga nang ako'y nag lakad sa kalsada
Pawang kakatapos lang ng ulan. May malamig na hamog na galing kung saan.
Amoy ng basa na kalye. May kasabay na singaw na parang alak.
Pag-agaw ng dilim at liwanag. Sana ang gabi ay huwag pasindak. 

Hinayaan ko i-dikta ng hamog ang aking sining...
Randam ko ang lamig, mysteryo, gigil at humaling.
Ang mga palad ko ay biglang pinawisan......
Nerbiyos, sabik, kaba at....nangigipit na tian. 

Walang kasiguraduhan...walang mapuntahan.
Natutunaw na yelo sa aking kalamnan.
Takot ba o pananabik na malakbay ang di matanaw na daanan?
Bihag o malaya ba ako sa bukas na hindi malaman?

Tingin ko ayos lang...bukas ay aking uupakan!
Lakbay-lakbay sa kalsada...sabay yakap kay dalagita. 
Ang pawis ko sa palad, pananabik pala sa walang kasiguraduhan.
Ang nangingipit na tian, hiwatig pala ng aking paglaban. 








Huwebes, Hulyo 4, 2013

Anak ko

Ang pagmamahal ko sa iyo ay walang kondisyon
Sa simula palang alam ko na ang sitwasyon
Na ang ngiti mo ay aking tuwa at ligaya
Ikaw na tanging eksempsiyon sa mga kamaliang linatha

Maaari ba kitang kargahin buong buhay ko?
I-duyan at kantahan dahil ito ang kapayapaan ko. 
And dalisay sa iyong mukha
And tanging kontento sa aking paningin

Kalmado lang ang puso at isipan anak
Kabutihan ng kaluluwa ang siyang naisin
Pagmamahal sa kapwa at tiwala sa Diyos
Pwede na yun, lahat magiging ayos

Tatlong dekada man ang lumipas
Kung ikaw ay walang trabaho at sumablay
Huwag kang mangamba at mahiya
Ang pagmamahal ko sa iyo ang ating tagumpay

Miyerkules, Agosto 22, 2012

Akit

Mata mo ang direksyon ng aking ngiti.
Panaginip lang ba na ikaw ay naakit?Gabay ang iyong kamay sa ating paglapit
Hawak ko sa bewang mo ng mahigpit

Ilusyon ng aking labi sa iyong leeg
Direksyon papunta sa iyong bibig
Dila mong kumikembot sa ating halik
Matamis na laway, pusoy nag pantig

Init ng buwan nagrepleksyon sa ating pawis
Pinag samang kaba at gigil, mundo ay lumihis
Ihip ng aking hininga pababa sa iyong dibdib
Sabay sa huni mong parang pusa, ako'y gumilid

Kay sarap ng emosyon sa gitna ng ating yakap
Sa piling mo. Dahil sa iyo....ang gabi ay ganap



















Biyernes, Hunyo 15, 2012

Takas

Noon. Doon. Ako'y dumadaloy.
Nakalutang sa ibabaw ng kahamugan.
Sumasayaw sa tambul ng dagat.
Gumegewang sa sipol ng ulap.

Doon. Noon. Ang bituin ay pawang naka "salamin" sa baybayin.
At ang katas ng ulan ay dumadaloy pa sa hangin.
.....Pintig ng aking dibdib
.....Kilig ng lamig sa aking labi.

Sa pag-kahiga sa perlas ng buhangin.
Parang pag-langoy sa kutitap ng langit.
At ang bilog na buwan na sumisilip.
Nagpaalala sa aking mga ginawa na lihim.

Noon. Doon. Tayo'y walang hanggan.
Ngayon. Dito. Ako'y pigil hangad.















Martes, Pebrero 14, 2012

Fool that day

Detached. Yet clustered in the crowd.
The lost of will. Impounded by the gesture of a smile?
Repetition of my life's appointment.
Paused by the solemnity of such grace.

How sudden!... Is it a stratagem of life?
But this man's travel is broad with mediocrity!
Frustrations for the great beyonder.
And now seized?!... By the climax of a greeting!

But I fall. Retreated..in the sunshine of an embrace.
Mimicing the gravity of a constant water fall.
Now falling. Deep. Oblivious.
Exasperating through the waves of a quiet glance.

Panic for that unknown want.
Desperate! Yet steady accepting grant.















Biyernes, Enero 6, 2012

2011

Ngiti ngiti! Paskong munti.
Ang landi ko sa harap ng parol.
Buti ang regalo ay aking naihabul.

Pasalamat kay Jesus.
Sa biyaya ng pag-asa.
Maligayang bati panginoon.
Salamat sa gabay mo mula pa noon.

At sa mga nasalanta at napinsala.
Pasensya na sa aming pag sasaya.
Tanging pikit ng mata ang aking handog.
Pagdarasal sa inyong pagbangon.
Bagong Taon, paglipas nanaman ng kahapon
Ang mga mali ko noon, bukas pwede ibangon
Panibagong laban, buti na lang ikaw ay naandyan
Sigaw ko sa harap ng pagsubok...
Ang libog sa buhay ang aking udyok

Tatlong bituin at isang araw
Putukan nanaman ng tatsulok
Ingat sa pagsindi ng kwitis
Sana sa bakuran ang landing... nakakainis

Ayos tsong, itagay mo ang cheers
Para sa bonus sana umabot, next years?
Salamat sa lahat ng mga nakasama
Ngayong celebrasyon tayoy magfiesta

Sabado, Nobyembre 12, 2011

Minumutya

Kamusta na kaya ang bulaklak sa tabing?
Ang yakap noon at kapiling
Imahen ng saya at surpresa
Sa pilipinas kong minumutya

Itaas natin ang ating kanang kamay
Bandila ay iwagayway
Panatang makabayan?! Hinayaan!
Para sa unidos estados makautang

Pinilit matupad ang noon pa plinano
Sapalaran kasabay ang mexicano
Ang downtown broadway puno ng loko
Pagtaguyod kay Angkel Sam..bestido!

Tanaw-tanaw sa parteng Silangan
Tatlong bituin at isang araw masilawan
Kutitap ng perlas at alab ng puso
Pitong libo ang layo sa langit mong bughaw


Sa bayan ng iba
Tayo lahat nakibaka

*please support my blog by clicking on my advertising sponsors. Salamat.






Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Bamboo - Across the Universe

 

Santa Clara, California. October 3, 2011. Bamboo performed at the Avalon Night Club.  With Gloc 9 and Glen Jacinto as front acts and many others. The event sponsored my FrancisM Clothing  was packed with new generations of Bamboo fans and aspirants.  Although not with the original members.  The band had their own appeal; elusive maybe at times but carried their own.  Bamboo in some songs, I think misses his old band's presence. Still, Bamboo maintained his lively performance as always.

Sabado, Oktubre 8, 2011

Tag-lagas

Pambihirang patis
Lumalamig nanaman ang hagibis
Summer look kong bigkis
Apat na Balot nanaman ang bihis

Alas-sinkong madilim
Ginaw nanaman ang kapiling
Tuyong dahon lumalanding
Sa bakuran ko ang ending

Oh nasaan na ang init ng araw?
Na gumabay sa aking ngiti
Delubyong dulot ng ulap
Yakap ng dilim sa aking puyat

Anim na ikot ng buwan
Paghihintay sa dating ng Arawan