Linggo, Oktubre 14, 2007

Lumang

Kot

Kinantot nanaman ng kamalasan...ang aking dinadaanan..nawala,nabigo at nagmukhang tanga..Nakakatawa kung panu paulit-ulit na babangon mula sa pagkakadurog..upang lalo lang masubsub ang nguso sa damdamin ng iba..Sa hinahanap na dipa kilala..Ano pa ba ang susunod?...Iyak? O ang bagong halik? Ang pag-japorms na nagpapahiwatig ng apila sa mundo? And paginum sa santo na hinaluan ng pomelo? Kay sarap dilaan ang dibdib ng pag-gunita..paikot-ikot sa bilog na kamunduhan..parang adik ang pagkakamulat ng mata...sabay iyak sa kanto ng kalasingan.

Pero ayos lang. Tuloy parin ang libog ko sa mundo. Hahalikan parin ang hangin at yayakapin ang bawat minuto ng gabi. Makikipagaway sa pagpatay ng ilaw sa aking dinadaanan. Di papayag..na di malasap ang laway ng kasiyahan. Sisigaw nanaman ako at maghihintay ng sagot. Ok lang! Paki ko!



Alas-3

2 kaha ng sigarilyo na walang laman..alas-3 na ng umaga, walang mabilhan..di parin makatulog..pagod na ang katawan pero ang isip ay ayaw magpahinga..walang galaw ang puno sa bakuran..at ang dahon ay parang nakapikit..walang malay..ang hangin ay tahimik at nagpapahinga..pakirandam ko'y ako lang ang gising..Nag-iisa..Kalye na malungkot..walang nag sasalita..walang makausap..Buwan na nasa langit..kahalating nakailaw..pinagmamasdan ang anino sa lupa..Nang roromansa sa mga mulat na mata ko..Alas-3 at kahalati..Ang tema ay walang pagbabago..Lalong sumikip ang kwarto sa aking paningin..Kahon na walang kulay..walang buhay..4 na kantong walang hanggan..



Isla

Nakahiga sa buhangin..Steady na nakikijamming ang aking mata sa gitna ng ulap at bituin..lumayo muna sa tropang nakadami..upang magkunwari na kasama kita..at ang init na nadarama ay ang akbay mo..hindi ang matamis na usok sa gitna ng tawanan. Nagmuni tayo sa likuran ng tugtuging dagat(reggae)..Ang daloy ng karagatan ay kasabay ng kembot mo..patungo sa akin..Hoooh!..at ang bawat ihip ng hangin ay dinadala ang labi natin..palapit ng palapit..ang musika ay nagparandam at nag-sabi ng susunod na gagawin..kaya hinalikan ko ang iyong kamay paakyat sa iyong balikat..relaks na nagpatuloy sa sayaw ng ating katawan..damdamin ay unting unti napupuno..na pawang umiikot sa tian ko patungo sa aking dibdib..O kay gandang pagmasdan..iniisip ang maaring mangyari..pero kwela lang basta ang mata natin ay laging nagtatagpo..at nagsasaad ng misteryong tayo lang dalawa nakakaalam..Hoooh!..Ang tindi..Pawis dulot ng ating pagdidikit..Init dahil sa ating pag-gewang sa tugtug ng dagat..Alab ng puso sa gitna ng ating mata..At sa ating paghahalik..



Pangalawa

Pangalawang genarasyon ang tawag sa kanila. Tinuguriang mapalad raw..mga Negrito na pinanganak dito sa lugar ng kapitalismo at F16 jet fighter. Ang Pinoy-Am.

Sila ay lumaki kasama nila Jane at John Doe...mga sanay sa "American Living", the Kano way of Life. Ingles ang kanilang labi at dila. Ang tenga at mata rin ay pang English subtitle lamang. Ang pagkain ay mashed potato at macaroni n' cheese. At malamang ang Balut ay lutong sunny-side-up narin with ketchup kaysa suka at asin. Mahilig sila sa "Home" dahil yun ang tawag nila sa kaibigan nilang Boy at Girl. Nagpapasalamat sila sa Pilgrims at kay George Washington para sa kalayaan ng lahi nila. At si Andres at Jose ay alam nilang nagbebenta ng sapatos sa downtown Broadway. Japorms ang ating mga kaibigan na homeboy...maporma at may bling-bling. Kahit mas Pinoy pa ang itsura kaysa kay Bayani Agbayani..okey parin kasi English accent. Cool sila dahil ang "Opo" nila sa magulang ay first name basis. Magagaling rin sila uminum..syempre dugong Pinoy e..mahilig kay Jack,Miller at Bud..sayang di nila natikman si GinPom at ang pulang kabayo.

Medyo maarte lang din ang ating mga kababayan sa parte ng mundong ito. Matagal raw kasi lumabas ng PS3. "Anu yun?", tanung ng pamangkin ko sa Pinas. Mahirap din buhay dito..mahal ang rent at monthly sa kotse. "Ako nalang sakyan niyo!", sabi ni Sarao. Barya lang sa umaga ha. Tapos yung salad na inorder walang egg. "Buti nalang tokneneng may itlog", sabi ni Manong. mahilig din mag-clubbing mga homies natin. "Dito nalang kayo sa Miss Universe", sabi ni Starlet.

Makulay talaga ang buhay Pinoy-Am dito. Swerte kung tutuusin. Pero gaya nga nang sabi nila.."Ang di marunong tumingin sa Sariling Kulay..Ay Color Blind". "Anu ka blonde?", sabi ni Pamela1. Sana wag kalimutan..at maging proud parin to be Pinoy.



Isarado

Di naman ninais na magkaganun...na magpaalam ng walang kasaraduhan ng magulong damdamin..Di man lang nakahalik ulit at madama ang iyong galak sa aking yakap..at mga tingin na sumasangayon sa ngiti ng iyong puso..umalis pareho upang makapunta sa lugar na plinanu noon pa..upang kumita at mahabul ang edad nag pagtataguyod sa kinabukasan..ngayon tenbits ang pakiramdam..walang pagsarado walang paglalahad..di man lang nakahalik ng pasasalamat at pag-iingat. At pag-papaalam ng aking damdamin para sa iyo..na aking sobrang pinagsisisihan.

Dalawang taon na ang nakalipas..dala parin ang gunita ng ating sentimental na pagkakahiga sa kama..ang halik sa balikat..ang paghawak sa bewang..ang pag-daloy ng aking daliri sa iyong buhok..ang paghihiraman ng hangin sa gitna ng ating labi.

Pero tama na..para sa aking pagtutuloy..Isarado na.



Lumalangoy

Nagsisisi..Nanglalaban..Magpahinga..Sumigaw
Pinikit ko ang aking matamlay na mata. At pinilit galawin ang kadiliman..kumakapa ng mahahawakan..masasandalan..nagmani-obra upang makahanap ng tinig.

Tatlong libong milya ang layo..inabot ng aking sigaw..nadatnan ko ang randam ng gabi..hanging malamig inaangat ang aking buhok..Binuksan ko ang aking mata ng dahan dahan..upang 'di mawala sa kinalalagyan..kinilala ang aking sarili at sinimulang magmasid...sa gitna ng kabukiran ako'y nakalutang...isang dangkal sa ibabaw ng palayan..at ito ay mabuti..nang aking maamoy ang basang lupa. Ngayon ako ay huminga ng malalim..na parang unang halik sa langit..dumadaloy sa lupa..tubig galing kabundukan..may kasamang tunog ng kapayapaan..at estado ng kalinisan..ang buwan ay perpektong kabilugan..na pawang siya ay lagi lang naandyan..nakikinig..nag-aalaga..nagsimula akong lumangoy sa ilaw ng buwan..mapaliguan niya ngawa ako ng kalakasan..at disiplina ng pagiisa..maestro ng hindi pagsasalita. Nagsimulang umambon...parang bituing nahuhulog at sa paglaglag sa lupa ay nakailaw parin..parang lupa ang naging langit..sumilong ako sa ilalim ng nag-iisang puno sa gitna ng kabukiran..at doon nag-sentimental...

Ang punong sinasandalan ay makitig..ang mga kamay nito ay parang yumayakap sa ulap..at sa aking pag sandal sa katawan niya..ay naging iisa ang habul naming abutin ang kalawakan. Parang kuryente ang koneksyon..sa bawat hinga at galaw ko..sumasabay na sumasayaw ang kanyang mga dahon..na maaaring nagpapahiwatig ng pag-sangayon at awa..nagsimulang tumila ang hangin..ang palayan ay nawalang ng kalaro dahil dito..ang buwan ay nan-doon parin laging nagsisiyasat..at ang ambon ay huminto sa gitna nang kanyang pagpatak..hindi man lang nakahalik sa lupa ang tubig nito..ngayon ang ambon ay nakalutang lamang..na parang naghihintay ng aking atensyon..

Ako'y nagsimulang mag-isip...

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Lupit ah.