Linggo, Disyembre 9, 2007

Patchun

Patay na ako. Wala na ang dating sigla...ang gutom sa buhay...ang sigaw sa laban. Durog na at wala nang lakas, Suko na...naisahan na ako ng mapagkunwaring "galak" at ng mapang-aping "konteto". 'Di na ako ang pangalan na nakasanayan ng mga kaibiganko...ang persona na nagpakulay sa kanilang puso at isipan. Ang tao na lumalaban at nakikipagsabayan sa kwento ng mundo...ang tawa ko sa gitna ng problema...ang pag sapak ko sa kabagalan ng buhay..ang mura ko sa mayayamang mangmang...ang pag japorms na nagpapahiwatig ng bagong buhay...ang halik sa romansa ng imahinasyon...lahat ito ay wala na! Patay na nga ako...wala na ang gigil ng kaluluwa. Ako ay isa na lamang karakter sa isang librong hindi nalatha. Sunod-sunuran sa utos ng tinta na nagmula sa isang makitid na manunulat. Panitikang Kalungkutan...kwentong walang patutunguhan...ang nakakatakot na istorya ng kanormalan.


Nasaan na ang tinig na naririnig ko dati? Ang gewang sa musika ng romansa. Ang sipol pagkatapos ng unang halik. Ang kanta sa gitna ng ating mga labi. Ito ay wala na rin.
Ang pakirandam na isang yelo o ice na natutunaw pag "siya na nakawala" ay naiisip.
Nasan na ba? San napunta ang pakirandam na umaapoy sa gabi?
Anu na ba? San ba ang saya? ...Nasaan ang gigil para sa misteryo?... Panu nga ba halikan ang bituin?