Isang dangkal nakalutang sa ibabaw ng palayan..randam ang kapayapaan dulot ng amihan..libog ng hanging nakayakap sa puno..kembot ng dahon sa ihip nito..init ng lamig nang-gigil sa aking pisngi..parang unang halik sa labi sabay pikit..Oh kay lambing ng sipol ng hangin..nangaakit ng kamalayan sa sarili..Oh aking norte sa probinsiya ko na minumutya..hangang sa muli na akoy mag panata.
Halik ng ulap sa pisngi ng mundo..Kay lamig nang iyong hamog. Delubyo. Katas ng iyong na22naw na yelo ay nakiukit sa pawis ng araw knina. At sa iyong pagdaan ay sinapawan lahat ang mainit n sensasyon na iniwan ng tanghali. Kay lamig. Kay lamig. Oh nasaan n ang Julyo? Nang aking masipsip ang matamis na katas ng araw sa tabi ng nagliliwanag n dagat. Tapos ay madilaan ang kanyang mainit na sinag. Kay lamig. Tag-lamig.
Martes, Abril 19, 2011
Ayos lang
Ngiti sabay pikit ng mata..sa ilalim ng araw akoy huminga..hayaan mo sila sa kanilang pangmamadali..unahan sila sa yabangan ng pisngi..kwentong barbero..sarila nilay di matanto..puros intriga ang salita..siraan ang balita..tingin na lng sa ulap..bigay salamat kay bathala..ngiti sabay halik sa hangin..sigaw ng gitara ko ang tangkilikin.
Bat di lang magpasalamat? Sa bigay ni bathala..para sa biyaya na kanyang linatha..mundo na naghihikayat ng Laban..hay pareho din naman ang patutunguhan..bat di nalng sumilong sa palaisdaan? Kailangan pang murahin ang engkanto ng mapang aping konteto..bat di nalng ngumiti sa musika ng puso? Kailangan pang sumingit sa pila ng indulto..paulitulit, ihi tulog sabay gising.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)