Martes, Abril 19, 2011

Ang Init!!

Isang dangkal nakalutang sa ibabaw ng palayan..randam ang kapayapaan dulot ng amihan..libog ng hanging nakayakap sa puno..kembot ng dahon sa ihip nito..init ng lamig nang-gigil sa aking pisngi..parang unang halik sa labi sabay pikit..Oh kay lambing ng sipol ng hangin..nangaakit ng kamalayan sa sarili..Oh aking norte sa probinsiya ko na minumutya..hangang sa muli na akoy mag panata.

Halik ng ulap sa pisngi ng mundo..Kay lamig nang iyong hamog. Delubyo. Katas ng iyong na22naw na yelo ay nakiukit sa pawis ng araw knina. At sa iyong pagdaan ay sinapawan lahat ang mainit n sensasyon na iniwan ng tanghali. Kay lamig. Kay lamig. Oh nasaan n ang Julyo? Nang aking masipsip ang matamis na katas ng araw sa tabi ng nagliliwanag n dagat. Tapos ay madilaan ang kanyang mainit na sinag. Kay lamig. Tag-lamig.

Walang komento: