Sabado, Hunyo 18, 2011

Aninag

Aninag ng buwan aking pinagmasdan..Silip ng tanyag niyang kapusukan..Parang enerhiyang nag bigay buhay..Pakirandam ng isang halik sa aking balikat.

Akay-akay nito ang aking kabigatan..Bilog na ilaw ay nakikiramay..Saglit lang huwag mong iiwan..Ang batong nakatali sa aking talampakan.

Bakit nawala ang simpatya? Nang mga bituin sa iyong paligid..Dahil ba sila'y nahiya sa aking pagluluksa..

Sigaw sigaw sigaw! Paki-akay naman ako..Sa aninag mo akoy pasakay..Nang sa ganon, maituloy ang lakbay..Kasama ang aninag ng iyong luha.