Daloy ng kamay ko paakyat sa iyong balikat
Sipol ng aking hinga patungo sa iyong tainga
Sabay halik sa porselan mong pisngi
Sabay halik sa mata mong nakapikit
Salubong ng hangin sa gitna ng ating labi
Palitan ng laway sa init ng ating dila
Gabay ang iyong kamay sa aking dibdib
Gabay ang aking bewang ng iyong kamay
Nakapikit Nakalutang Nasa tiempo
Galaw natin parang dinikta noon pa
Pawis ay naging langis sa ating yakap
Pawis ay naging init sa gitna ng hamog
Kaya Ngiti. Sabay pikit.
Hinga malalim. Sabay yakap.
Dahil ngayon ang langoy ng orasan ay nasa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento