Uy panaginip, dinala ako sa dating ihip
Memorya ng mga panata, sarap ng gunita
Ang pagbaybay sa init at pagkabinata
Alak nga lang pala ang madalas
naglatha
Paslit ng kalsada sa harap na tindahan
Pautang muna please Manang Aling Nena
Sa riles ng tren akoy nakipaglaro
Sabay hithit sa puting usok pangpaklaro
Nag baybay sa may liwanag ng Ayala
Para manong kulang ng singkwenta
Tingi na sigarilyo, Hope para pangpahilo
Ok lng naman, sagot ang alak ni Chona
Uy amats na pare koy tara na
Sabog nanaman bukas sa eskwela
Kanino kaya kokopya? Miss hello!
Sagot ko na siopao at soda miss
Sarap ng gunita, Simple na Salita
Ngiti sa alaala, Bukas uli ang kita
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento