Hintay hintay doon
Kay tagal ng pagkakataon
Suntok sa buwan ni Manong
Alila parin hangang ngayon
Limas ang katawan. Pambili ng kan-un
Sa walo niyang anak. Pambaon
Talino bali wala. Sipsip ng dila
Para kay boss na mukhang Blah-Blah!
Kaya apply sa bayan ng Arabo
Singkwenta-mil ang danyo
Recruitment agency ni Lumen
Tiktik kalawang pala ang ending
Ayos lang pare! Pera rin ito
Padala sa anak at alak pangpahilo
Kayod-kayod padala kay misis
Para may pang pakulot kay ricky reyes
Kawawang ambisyon ng pagtaguyod
Ang manong natin mukha ng u-od
Kawawang manong ng madlang bayan
Buti nalng may masahe, paraosan
Manong salamat sa iyong sipag
Saludo ang bayan sa iyong diwa
Manong salamat sa iyong tiyaga
Para sa aming tamad at walang nilaga
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento