Sabado, Nobyembre 12, 2011

Minumutya

Kamusta na kaya ang bulaklak sa tabing?
Ang yakap noon at kapiling
Imahen ng saya at surpresa
Sa pilipinas kong minumutya

Itaas natin ang ating kanang kamay
Bandila ay iwagayway
Panatang makabayan?! Hinayaan!
Para sa unidos estados makautang

Pinilit matupad ang noon pa plinano
Sapalaran kasabay ang mexicano
Ang downtown broadway puno ng loko
Pagtaguyod kay Angkel Sam..bestido!

Tanaw-tanaw sa parteng Silangan
Tatlong bituin at isang araw masilawan
Kutitap ng perlas at alab ng puso
Pitong libo ang layo sa langit mong bughaw


Sa bayan ng iba
Tayo lahat nakibaka

*please support my blog by clicking on my advertising sponsors. Salamat.






Walang komento: