Biyernes, Hunyo 15, 2012

Takas

Noon. Doon. Ako'y dumadaloy.
Nakalutang sa ibabaw ng kahamugan.
Sumasayaw sa tambul ng dagat.
Gumegewang sa sipol ng ulap.

Doon. Noon. Ang bituin ay pawang naka "salamin" sa baybayin.
At ang katas ng ulan ay dumadaloy pa sa hangin.
.....Pintig ng aking dibdib
.....Kilig ng lamig sa aking labi.

Sa pag-kahiga sa perlas ng buhangin.
Parang pag-langoy sa kutitap ng langit.
At ang bilog na buwan na sumisilip.
Nagpaalala sa aking mga ginawa na lihim.

Noon. Doon. Tayo'y walang hanggan.
Ngayon. Dito. Ako'y pigil hangad.