Miyerkules, Agosto 22, 2012

Akit

Mata mo ang direksyon ng aking ngiti.
Panaginip lang ba na ikaw ay naakit?Gabay ang iyong kamay sa ating paglapit
Hawak ko sa bewang mo ng mahigpit

Ilusyon ng aking labi sa iyong leeg
Direksyon papunta sa iyong bibig
Dila mong kumikembot sa ating halik
Matamis na laway, pusoy nag pantig

Init ng buwan nagrepleksyon sa ating pawis
Pinag samang kaba at gigil, mundo ay lumihis
Ihip ng aking hininga pababa sa iyong dibdib
Sabay sa huni mong parang pusa, ako'y gumilid

Kay sarap ng emosyon sa gitna ng ating yakap
Sa piling mo. Dahil sa iyo....ang gabi ay ganap