Sa simula palang alam ko na ang sitwasyon
Na ang ngiti mo ay aking tuwa at ligaya
Ikaw na tanging eksempsiyon sa mga kamaliang linatha
Maaari ba kitang kargahin buong buhay ko?
I-duyan at kantahan dahil ito ang kapayapaan ko.
And dalisay sa iyong mukha
And tanging kontento sa aking paningin
Kalmado lang ang puso at isipan anak
Kabutihan ng kaluluwa ang siyang naisin
Pagmamahal sa kapwa at tiwala sa Diyos
Pwede na yun, lahat magiging ayos
Tatlong dekada man ang lumipas
Kung ikaw ay walang trabaho at sumablay
Huwag kang mangamba at mahiya
Ang pagmamahal ko sa iyo ang ating tagumpay