Biyernes, Pebrero 21, 2014

Soul Sistah!


Kalsada

Alas-sinko ng umaga nang ako'y nag lakad sa kalsada
Pawang kakatapos lang ng ulan. May malamig na hamog na galing kung saan.
Amoy ng basa na kalye. May kasabay na singaw na parang alak.
Pag-agaw ng dilim at liwanag. Sana ang gabi ay huwag pasindak. 

Hinayaan ko i-dikta ng hamog ang aking sining...
Randam ko ang lamig, mysteryo, gigil at humaling.
Ang mga palad ko ay biglang pinawisan......
Nerbiyos, sabik, kaba at....nangigipit na tian. 

Walang kasiguraduhan...walang mapuntahan.
Natutunaw na yelo sa aking kalamnan.
Takot ba o pananabik na malakbay ang di matanaw na daanan?
Bihag o malaya ba ako sa bukas na hindi malaman?

Tingin ko ayos lang...bukas ay aking uupakan!
Lakbay-lakbay sa kalsada...sabay yakap kay dalagita. 
Ang pawis ko sa palad, pananabik pala sa walang kasiguraduhan.
Ang nangingipit na tian, hiwatig pala ng aking paglaban.